MENU

Buwan ng Wika 2023

Ang Pasuguan ng Pilipinas sa Abu Dhabi Philippine Embassy in UAE ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang tema ng Buwan ng Wika 2023 ay pagkilala sa katotohanan ng pagiging linguistically diversed ng Pilipinas.

Ang pag-iral ng dibersidad pangwika sa Pilipinas ay indikasyon ng pagkakaroon nito ng isang masiglang linguistic ecosystem. Nakamamangha kung paano napanatiling buhay at matatag ng iba’t ibang pangkat etniko sa bansa ang kani-kanilang ugnayang kultural sa kabila ng katoto- hanang dumaan ito sa napakahabang yugto ng pananakop ng mga Español (333 taon), Americano (halos 50 taon), at mga Japones (humigit-kumulang 5 taon).

Basahin at/o i-download ang paliwanag tungkol sa tema ng Buwan ng Wikang Pambansa 2023 https://drive.google.com/.../1ulESbbUegJfr5GN31gM.../view